5 December 2025
Calbayog City
Entertainment

Alex Calleja, tinanggap ang paghingi ng paumanhin ni Chito Francisco hinggil sa car wash joke

HINIMOK ng stand-up comedian na si Alex Calleja ang publiko na mag move on na, kasabay ng pagtanggap niya sa paumanhin ng writer na si Chito Francisco.

Naging laman ng balita ang dalawa matapos akusahan ni Francisco si Calleja na ninakaw ang kanyang car wash joke at ginamit sa comedy special na “Tamang Panahon.”

Pumalag ang actor-host at nilinaw na matagal na niyang ginagamit ang naturang joke, kasabay ng babala na posible niyang kasuhan ng cyber libel si Francisco.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).