MALAPIT nang umakyat sa 4 million metric tons ang inangkat na bigas ng Pilipinas.
Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), nag-import ng 3.896 million metric tons ng bigas ang bansa, kung saan walumpung porsyento nito ay mula sa Vietnam.
Nalagpasan na nito ang dating record-high import volume na 3.83 million metric tons noong 2022.
Noong nakaraang taon ay naitala sa 3.6 million metric tons ang inangkat na bigas ng Pilipinas.
Bukod sa Vietnam, nag-import din ng bigas ang bansa mula sa Thailand, Pakistan, at Myanmar.
Ang lumobong rice imports ay resulta ng pananalasa ng mga bagyo at epekto ng El Niño phenomenon na tumapyas sa lokal na produksyon.