Inanunsyo ni Ria Atayde na magkaka-anak na sila ng kanyang mister na si Zanjoe Marudo.
Ginawa ng aktres ang rebelasyon sa kanyang Instagram post, kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day, kung saan binati niya ang kanyang mister.
ALSO READ:
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Aktres na si Ruby Ruiz, nakauwi na sa Pilipinas matapos ma-stranded sa Dubai
May kasama rin itong litrato nilang mag-asawa na nasa sa beach at kita ang baby bump ni Ria.
Sinabi rin ng aktres sa caption na excited siya sa bagong chapter kasama si Zanjoe.
Dahil sa naturang post, natuldukan na ang mga ispekulasyon na kumalat sa social media tungkol sa pagbubuntis ni Ria.
Ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng civil wedding noong Marso.
