NAKAMIT ng batang Gilas Pilipinas 3×3 ang kanilang unang titulo sa 2024 FIBA 3×3 Youth Nations League, sa China.
Na-sweep ng Pilipinas ang elimination round of stop 5 sa kanilang 3 wins bago ang ipinakitang husay sa 21-12 upset victory laban sa powerhouse na koponan ng Mongolia sa kanilang sagupaan sa finals para masungkit ang titulo.
Malaking tagumpay ito para sa mga pilipino at napigilan ang Mongolia na kunin ang ikatlo sana nilang titulo sa torneyo makaraang mamayagpag sa stop 1 at 2 at nagtapos sila bilang runner-up sa sumunod na dalawang stops.