TARGET ng Comelec na simulan ang reprinting ng mga balota na gagamitin sa 2025 National and Local Elections bukas o sa sabado.
Pahayag ito ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, matapos hindi ituloy ang reprinting kahapon bunsod ng mga bagong Temporary Restraining Orders laban sa disqualification ng ilang aspirante.
ALSO READ:
2 impeachment complaints laban kay VP Sara, idineklarang sufficient in grounds
P3.5 billion, inilaan para tulungan ang mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan
Excise tax sa oil products, hindi pa malinaw sa Palasyo kung sususpindihin o babawasan
Dagdag-pasahe, ipinag-utos ni PBBM na suspindihin
Sinabi rin ni Laudiangco na hindi ito makaaapekto nang malaki sa ginagawa nilang paghahanda para sa nalalapit na halalan.
Ito, aniya, ay dahil mula nang ilabas ang naunang limang TROs ay nalagyan na nila ng add function ang Election Management System upang mabago ang database ng mga kandidato.
