15 February 2025
Calbayog City
National

Rep. France Castro at Dating Cong. Satur Ocampo, Sinentesyahan ng hanggang anim na taong pagkabilanggo bunsod ng Child Abuse

CONVICTED sina ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, at labing isang iba pa, sa paglabag sa special protection of children against abuse, exploitation and discrimination act.

Sa desisyon ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2, sinentensyahan sina Castro at Ocampo, pati na ang labing isa nilang co-accused ng apat hanggang anim na taong pagkabilanggo.

Inatasan din ng korte ang mga ito na magbayad ng kabuuang 20,000 pesos na moral at civil damages sa bawat biktima.

Nag-ugat ang kaso sa insidente noong 2018 sa Talaingod, Davao Del Norte nang i-biyahe ng grupo nina Castro at Ocampo ang labing apat na lumad minors na pawang mag-aaral ng Salugpungan Ta Tanu Ingkanogan Community Learning Center, Inc.

Sinabi ni Acting Presiding Judge Jimmy Boco na napagpasyahan ng korte na walang valid justification at wala ring awtoridad ang mga akusado para ilabas ang mga menor de edad na estudyante sa Dulyan Campus. Nanindigan naman ang grupong Bayan Muna na ang naturang insidente ay “rescue mission” kasunod ng umano’y militarisasyon sa paaralan at aerial bombings.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.