INAASAHAN ng COMELEC na mailalabas ang resulta ng fact-finding investigation laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa susunod na linggo.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na binigyan lamang ang binuong fact-finding committee ng kanilang law department ng dalawang linggo para tapusin ang kanilang imbestigasyon.
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Aniya, posibleng pagpasok ng susunod na linggo ay mailalabas na ang fingerprint analysis subalit mas nais nila na kumpletong maisusumite sa kanila ang resulta.
Una nang ipinag-utos ng Poll Chief ang paglikha ng komite upang matukoy kung nakagawa si Guo ng material misinterpretation sa kanyang kandidatura noong 2022 elections, na basehan ng paghahain ng election offense.
Tiniyak naman ni Garcia na bibigyan ng pagkakataon ang suspendidong alkalde ng pagkakataon para tumugon sa findings at rekomendasyon ng komitte.
