20 May 2025
Calbayog City
National

2, nasawi sa Mindanao dahil sa Habagat

DALAWA ang nasawi sa Northern Mindanao at Davao Region bunsod ng habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Batay sa situational report, 60,841 families ang apektado, dalawa ang nasugatan, habang isa ang napaulat na nawawala.

Nakasaad din sa report na 4,767 families ang kasalukuyang nanunuluyan sa limampu’t limang evacuation centers.

Apatnapung lugar naman ang nakaranas ng pagbaha, kabilang ang dalawampu’t walo sa Zamboanga Peninsula, isa sa Northern Mindanao, at labing isa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.