PUMALO na sa 62.6% ng 2026 National Budget ang ni-release na ng Department of Budget and Management (DBM) hanggang noong katapusan ng Enero.
Batay sa status allotment report, na-disburse na ng DBM ang 4.25 trillion pesos mula sa 6.793-trillion peso budget ngayong taon, kaya mayroon pang 2.54 trillion pesos na undistributed.
ALSO READ:
Gayunman, ang naturang release rate ay mas mabagal kumpara sa 64.9% noong January 2025.
Sa ni-release na pondo, 2.759 trillion pesos ay napunta sa government agencies; 121.918 billion pesos naman sa special purpose funds; habang 1.37 trillion pesos sa automatic appropriations.




