DAPAT tingnan ng publiko ang rehabilitasyon sa San Juanico Bridge sa Eastern Visayas sa positibong paraan.
Pahayag ito ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, kasabay ng pagbibigay diin na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bagaman magkakaroon ng panandaliang epekto sa taumbayan ay maiiwasan naman ang anumang disgrasya na maaring idulot kapag hindi agad naayos ang tulay.
Una nang tinaya ng Office of Civil Defense na posibleng umabot sa kalahating bilyong piso ang magagastos sa emergency repair ng San Juanico Bridge.
Sa assessment kamakailan ng Department of Public Works and Highways, ikinabahala ang structural integrity ng naturang tulay.
Bilang bahagi ng precautionary measures, ipinagbawal ng DPWH ang pagdaan sa 2.16-kilometer bridge ng mga sasakyan na may bigat na mahigit tatlong tonelada.