SINUSPINDE ng Commission on Elections (COMELEC) ang proklamasyon ng dalawang nanalong Party-list group sa katatapos na 2025 National and Local Elections.
Ayon sa COMELEC, ang dalawang Party-list group ay may nakabinbing Disqualification Case.
ALSO READ:
Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, dinemanda ang mall goer na nasa viral video
FDA, LTO, at BIR, nanguna sa listahan ng mga ahensya na may pinakamaraming reklamo ngayong 2025
LTFRB, naglabas ng 1,500 Special Permits bago ang Christmas rush
Mahigit 134,000 katao, naapektuhan ng Bagyong Wilma at Shear Line – DSWD
Hindi naman binanggit pa ng COMELEC kung anong Party-list group ang sinuspinde ang proklamasyon.
Gayunman, nabatid na isa sa mga sinuspindeng Party-list ay nakakuha ng tatlong pwesto sa Kongreso.
Ngayong araw, May 19 nakatakdang isagawa ng COMELEC ang proklamasyon ng mga nananalong party-list. Gaganapin ito alas 3:00 ng hapon.
