PITONG buwan matapos dumating kina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang kanilang panganay na anak, ipinakilala na ng mag-asawa sa publiko ang kanilang baby girl.
Ipinakita ni Ellen ang mukha ng kanyang anak na si Liana sa unang pagkakataon, sa kanyang Instagram page, kung saan naka-dokumento mula sa pagsilang hanggang sa sumapit ang ika-anim na buwan ng sanggol.
ALSO READ:
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Sa isa sa mga video, makikitang nilalaro ni Derek ang pisngi ng kanyang baby girl, habang sa ibang litrato naman ay kasama ni Ellen at anak niya kay John Lloyd na si Elias, si Liana.
Isinilang ni ELlen ang anak na babae noong October 2024 subalit ni-reveal ng aktres ang pangalan ng baby makalipas pa ang isang buwan.
Nagpakasal ang celebrity couple noong November 2021.
