POSIBLENG maiurong pa sa 2027 ang naudlot na rehabilitasyon ng EDSA na unang itinakdang simulan noong Hunyo, ayon sa Department of Public Works and Highways.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, na hinihintay nila ang Go Signal mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maipatupad ang kanilang rekomendasyon na gumamit ng Non-Conventional Construction Technology para sa EDSA Rehabilitation.
Ayon kay Bonoan, ayaw kasi ni Pangulong Marcos na masyadong mahaba ang pagsasara ng mga Lane sa EDSA.
Una nang sinuspinde ng pangulo ang EDSA Rehabilitation na dapat sana’y sinimulan noong June 13, dahil kailangan pa aniyang pag-aralan ng isang buwan ang proyekto kung mayroong mga bagong teknolohiya na maaring gamitin upang mapabilis ang rehabilitasyon sa 23.8 kilometers na Highway.