NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkain ng shellfish mula sa Cancabato Bay sa Tacloban City makaraang magpositibo sa Red Tide Toxins ang Water Samples na nakuha sa naturang katubigan.
Sa advisory, sinabi ng BFAR na nadiskubre ang Paralytic Shellfish Toxin sa Laboratory Examination ng BFAR Regional Office.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na iwasan ang paghango, pagbebenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish, gaya ng tahong at talaba, pati na alamang sa Cancabato Bay.
Una nang itinaas ng BFAR ang Local Red Tide Warning sa Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, sa Samar habang ang Matarinao Bay sa Eastern Samar ang tanging lugar sa rehiyon na kabilang sa National Shellfish Bulletin.