KAHIT nagkaroon ng tensyon, natapos pa rin ng payapa ang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo na idinaos sa kahabaan ng Kalaw Street sa Maynila araw Linggo.
Ayon sa National Capital Regional Police Office, kusa namang nag-disperse ang grupo matapos maisagawa ang kanilang programa.
ALSO READ:
Nauwi sa tensyon sa rally matapos na hindi payagan ang grupo na makarating sa harap ng U.S. Embassy.
Sa kabila nito, sinabi ng NCRPO na pinairal ng kanilang Regional Mobile Force Battalion ang maximum tolerance upang matiyak na walang masasaktan at mapanatili ang kaayusan sa lugar.
Ikinasa ang protesta bilang paggunita sa International Women’s Day.




