Itinanghal na Biggest Winner sa 37th AWIT Awards ang funk-pop band na Lola Amour matapos mag-uwi ng apat na awards, kabilang ang Record of the Year at Song of the Year para sa kanilang smash hit na “Raining in Manila.”
Nasungkit naman ng SB19 ang Best Performance by a Group at Best Dance/Electronic Recording Plums, habang nanalo rin ang kapwa P-Pop powerhouse na BINI ng limang tropeyo sa awards ceremony noong Miyerkules, sa Music Museum sa San Juan.
Nagwagi rin bilang Album of the Year ang “Daisy” ni Unique Salonga; Best Performance by a Solo Artist ang “Letting You Go” ni Joey G; Best Performance by a New Solo Artist ang “Hawak Mo” ni Lyka Estrella; Best Performance by a New Group ang “Pasabay” ng Uncle Bob’s Funky Seven Club; at Best Collaboration ang “Walang Pumapalakpak” ni Gloc-9 feat. Gary Valenciano.
Sa pangunguna ng Philippine Association of the Record Industry (PARI), layunin ng AWIT Awards na kilalanin ang local music sa iba’t ibang genres, kabilang ang pop, rock, hip-hop, indie, at iba pa.