8 February 2025
Calbayog City
Local

38th Eastern Visayas Regional SCUAA 2024, nagsimula na sa Calbayog City

PUMARADA ang mga kalahok sa 38th Eastern Visayas Regional  State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) 2024.

Nag-umpisa ang parada sa Northwest Samar State University (NwSSU), sa Calbayog City, kahapon, hudyat ng pagsisimula ng naturang event.

Tiniyak naman ni NwSSU President Benjamin Pecayo na paghuhusayin nila upang maibigay ang best hosting para sa Regional SCUAA ngayong taon.

Nasa limanlibong participants mula sa labing isang unibersidad at kolehiyo sa Eastern Visayas ang nasa Calbayog City ngayon para sa 38th SCUAA.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).