14 July 2025
Calbayog City
Local

R-PSB Recognition and Send-Off Ceremonies, matibay na simbolo ng dedikasyon ng pulisya sa pagsisilbi sa mga komunidad.

DUMALO si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa  Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Recognition and Send-Off Ceremonies na ginanap sa Sports Center sa Barangay Monbon, Sta. Margarita, Samar, upang ipakita ang kanyang commitment sa public safety.

Ang event, na kinabibilangan ng send-off ng R-PSB Units sa iba’t ibang mga lokasyon, ay nagsilbing matibay na simbolo ng dedikasyon ng pulisya sa pagsisilbi sa mga komunidad.

Present din ang matataas na opisyal ng pulisya, kabilang sina Police Brig. Gen. Reynaldo Pawid, Regional Director ng PRO-8, at Police Colonel Antonietto Eric Mendoza, Provincial Director ng Samar Police Provincial office.

Ang R-PSB Units ay idineploy sa mga Barangay Salvacion, Langoyon, Helino, at Villahermosa sa Calbayog City, pati na sa munisipalidad ng Sta. Margarita, Samar.

Binigyang diin sa naturang aktibidad ang pagtutulungan ng mga local leaders at law enforcement agencies upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).