23 October 2025
Calbayog City
National

Dating Pangulong Duterte, mananatili sa kustodiya ng ICC kahit mapatunayang Unfit for Trial, ayon sa 1 abogado

MANANATILI si Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) kahit mapatunayan ng Medical Experts na siya ay Unfit for Trial para sa kasong Crime Against Humanity.

Sa Facebook post, sinabi ni ICC Assistant to Counsel, Atty. Kristina Conti, na kung makumbinsi ang ICC judges na Unfit for Trial ang dating pangulo, ang kaso nito ay ma-a-adjourn, subalit hindi Dismissed.

Aniya, sasailalim pa rin sa kustodiya ng ICC si Duterte at ang kaso nito ay rerebyuhin kada apat na buwan.

Una nang ipinag-utos ng Pre-Trial Chamber ng ICC ang Medical Examination sa dating chief executive upang matukoy ang kanyang kakayahan na lumahok sa Pre-Trial Proceedings, kabilang na ang Confirmation of Charges.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).