Naaresto na ng mga otoridad ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.
Kinumpirma ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos.
Maging si Senator Risa Hontiveros ay kinumpirma ang pagkakadakip kay Quiboloy.
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na mananagot si Quiboloy sa mga kaso nito.
Sinabi ng senador na sa pagkakadakip kay Quiboloy ay abot-kamay na mga biktima ang hustisya.
“Abot-kamay na ng mga victim-survivors ang hustisya, salamat sa kanilang paglalakas-loob na magsabi ng katotohanan. We commend our law enforcement agencies for their tireless efforts and dedication, despite Quiboloy’s tactics,”