29 September 2025
Calbayog City
Business

Electronics Exports, inaasahang lalago sa kabila ng US Tariff

INAASAHANG lalago ang Philippine Exports ng Flat hanggang Modest ngayong 2025, sa kabila ng mga pangamba mula sa plano ng US na patawan ng Taripa ang kanilang Semiconductor Imports.

Ayon kay Dan Lachica, Pangulo ng Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation Inc. (SEIPI), hindi sila magugulat kung lalago pa rin ang Electronics Export ngayong taon.

Sinabi ni Lachica na ang kanilang pagtaya ay base sa Latest Exports Performance ng bansa.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ng 7.2% o sa 25.61 billion dollars ang Exports ng Electronics simula Enero hanggang Hulyo mula sa 23.88 billion dollars na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).