Umabot sa 4.59 billion pesos na halaga ng dibidendo ang ni-remit ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa Bureau of Treasury.
Ayon sa PAGCOR, ang kanilang remittance ay kumakatawan sa 75% ng kanilang net income noong 2023.
Noong nakaraang taon ay tinaya ng state gaming firm and industry regulator ang kanilang net income na 6.81 billion pesos na mas mataas ng 53.27% kumpara noong 2022.
Inihayag din ng PAGCOR na ang kanilang remittance ay mas mataas sa karaniwang limampung porsyento, alinsunod na rin sa kahilingan ni Finance Secretary Ralph Recto para mapondohan ang government expenditures.