Present ang TRABAHO Partylist sa proclamation rally ng Yorme’s Choice slate nina Isko Moreno at Chi Atienza sa Distrito 6, Maynila nitong April 2, 2025.
Kamakailan, naging maugong din ang suporta sa TRABAHO partylist sa pagsama nito sa kickoff motorcade campaign ng Yorme’s choice sa Maynila noong Marso 28.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Sa official page nito na 106 TRABAHO Party List, mapapanuod ang video kung saan nagsasalita sa proclamation rally ang si nominee Ninai “Ate Ninai” Chavez.
“Sa mga nakausap na po namin habang kami po ay nag-iikot dito sa Maynila, isa lang po ang sinasabi- gusto nila ng sapat na sahod,” pagbabahagi ni Chavez.
“Bakit po [natin gusto ng sapat na sahod]? Para tayo ay magkaroon ng maayos at kalidad na pamumuhay,” dagdag pa niya.
Para sa nominee, simple lang umano ang gusto ng TRABAHO partylist- na magkaroon ng sapat na sahod at benepisyo ang mga manggagawa at empleyado.
Bilang 106 sa balota, binabalikat ng TRABAHO ang mga reporma at adhikaing magbibigay ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.
