SIYAM na indibidwal na nagpapanggap na mga taga-bangko para makapagnakaw ng pera mula sa credit card holders ang inaresto ng mga awtoridad sa Trece Martires at General Trias sa Cavite.
Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, nagsimulang mag-operate ang sindikato noong 2021 at kumita na ng mahigit isandaang milyong piso sa pamamagitan ng voice phishing scam.
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Sinabi ni PNP-ACG Cyber Response Unit Chief, Police Colonel Jay Guillermo, na modus ng grupo na tatawagan ang credit card holder, tatanungin ang pangalan saka bobolahin pero ang target ay ang One-Time Pin.
Narekober ng mga awtoridad ang piraso ng mga papel na may nakasulat na script na binabasa ng mga suspek habang kinakausap ang kanilang mga biktima.
Dati umanong nagta-trabaho sa call center ang mga dinakip kaya alam ng mga ito kung paano makipag-usap at makipag-deal sa mga nabibiktima nila, online.
