PITO punto pitong milyong pisong halaga ng iligal na droga ang natagpuan sa tatlong magkakahiwalay na parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Isa sa mga parcel ay idineklarang “women’s t-shirt” mula sa Amerika at ipadadala sana sa Bacolod City.
Gayunman, nang inspeksyunin ay naglalaman pala ito ng 468 grams ng marijuana kush na may standard value na 655,000 pesos.
Isa pang parcel na galing din sa US ay idineklara bilang “collectible camera film roll” na dadalhin sa Cebu pero may laman palang siyamnapu’t anim na kahon ng marijuana oil na nagkakahalaga ng mahigit 5,000 pesos.
Natagpuan naman sa ikatlong parcel na mula sa Pakistan at may recipient sa Naga, Camarines Sur ang 6.5 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu.