HINDI na dedepensahan ng Serbian Tennis Star na si Novak Djokovic ang kanyang ATP finals title bunsod ng “ongoing injury,” hudyat nang pagtatapos ng kanyang laro ngayong taon.
Ang 24-time Grand Slam Champion ay isa sa apat na players na nagpapaligsahan para sa isa sa tatlong natitirang pwesto sa season-ending event sa turin, na magsisimula sa linggo.
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Gayunman, inanunsyo ng tennis icon sa social media na hindi na niya kakayanin pang maglaro para sa ikatlong sunod na finals title dahil sa iniindang injury, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa kanyang fans.
Ang trenta’y syete anyos na si Djokovic na kasalukuyang nasa ika-limang pwesto sa buong mundo, ay pang-anim sa “the race,” na annual rankings ng atp para matukoy ang walong competitors sa finals.