Nagpasaklolo ang Alkalde ng Allen, Northern Samar sa Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa barko na nakalubog ang kalahating bahagi sa nasasakupan nitong pantalan.
Tinukoy ni Mayor Joey Suan ang MV Reina Hosanna ng Montenegro Shipping Lines Inc. na sumadsad sa bayan ng Capul sa Northern Samar noon pang Feb. 11 ngayong taon bunsod ng pagpalya ng makina.
ALSO READ:
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Tacloban journalist, hinatulan ng guilty sa terrorism financing
Noong May 13 ay hinatak ang barko at dinala sa Balwharteco Port sa Allen para sa salvage operation subalit na-diskubre ng sumunod na araw na lumubog ang kalahati nito matapos pumutok ang airbags na ginamit.
Nababahala ang alkalde na magdulot ito ng oil spill na maaring magdulot ng panganib sa kanilang marine resources at makaapekto sa kanilang mga mangingisda.
