Nilagdaan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nag-co-convert sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Parañaque City bilang isang regular campus.
Nakasaad sa Republic Act 11979, ang PUP na nasa Parañaque City ay tatawagin ng PUP-Parañaque City Campus.
Magiging epektibo ang batas labinglimang araw pagkatapos maisapubliko sa Official Gazette o sa pahayagan na mayroong general circulation.
Sa ilalim ng batas ang PUP-Parañaque City Campus ay mag-aalok ng short-term, technical-vocational, undergraduate, at graduate courses. Mandato din nito na magsagawa ng research at extension services.