INAMIN ng actress-host na si Karla Estrada na labis siyang naapektuhan sa mga pamba-bash na inabot ng kanyang anak na si Daniel Padilla matapos ang breakup nito kay Kathryn Bernardo.
Ginawa ni karla ang pag-amin nang mag-guest ito sa “Fast Talk with Boy Abunda” matapos siyang tanungin kung ano ang pinakamalaking kontrobersya na pinagdaan ni Daniel na muntik na siyang bumigay.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sinabi ng aktres na hindi niya kinaya at halos ikamatay niya ang salita ng mga tao na halos hindi na makain at sobrang kabastusan.
Dumating din aniya sa punto na gusto niyang hanapin ang mga nagsasalita ng masasakit laban sa kanyang anak at komprontahin ang mga ito.
