INAASAHAN ng mga ekonomista mula sa pribadong sektor na mananatili ang inflation o ang bilis ng paggalaw sa presyo ng mga bilihin at serbisyo, sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 2-4 percent simula ngayong 2025 hanggang 2026.
Sa pinakahuling survey ng bsp sa external forecasters ng kanilang monetary policy report, lumitaw na tinaya ng mga analyst ang mean inflation ngayong taon sa 3.1 percent, mas mababa sa 3.3 percent na baseline projection ng central bank.
Lumabas sa survey na 82.6 percent ang posibilidad na pumasok sa target ang inflation ngayong taon habang 83.5 percent ang probability para sa 2026.
Para sa susunod na taon ay inaasahan ng mga ekonomista ang average inflation sa 3.2 percent, na mas mababa rin sa 3.5 percent forecast ng BSP.