15 January 2026
Calbayog City
Local

Punong Tanod, binaril at napatay sa Lope de Vega; isa sa mga suspek huli

LOPE DE VEGA, NORTHERN SAMAR – Isang insidente ng pamamaril ang naganap bandang alas-10:48 ng umaga noong Mayo 9, 2025, sa Brgy. Getigo, Lope de Vega, Northern Samar, kung saan nasawi ang isang punong tanod matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na natukoy ng pulisya.

Kinilala ang biktima bilang isang 58-anyos na lalaki at punong tanod ng nasabing barangay. Batay sa imbestigasyon, habang pinapakain ng biktima ang kanyang mga alagang manok, dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at tinawag siya. Paglabas ng biktima, agad siyang pinaputukan ng apat na beses. Tinamaan siya sa noo, kanang siko, at kaliwang tagiliran.

Agad siyang dinala sa pinakamalapit na Rural Health Unit ngunit idineklara siyang dead on arrival. Isasailalim ang kanyang labi sa post-mortem examination.

Ang insidente ay iniulat sa Lope de Vega Municipal Police Station dakong alas-10:58 ng umaga ng isang guro na residente ng barangay. Agad namang rumesponde ang mga pulis sa pangunguna ni PCPT Sherwin Aldrin M. Portajada, Chief of Police, Lope de Vega MPS at nagsagawa ng hot pursuit operation. Inalerto rin ang mga karatig na istasyon ng pulisya upang maglunsad ng mga chokepoint.

Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Nahuli ang lalaking nagsilbing drayber ng motorsiklo, habang patuloy pa ring tinutugis ang bumaril sa biktima.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).