NAG-host ang South Korea ng pambihirang meeting na dinaluhan ng Senior Diplomats mula sa Japan at China, ayon sa Foreign Ministry.
Ang three-way talks ay itinuturing na pagtatangka para pagaanin ang alalahanin ng Beijing sa lumalalim na security ties ng Washington sa Tokyo at Seoul.
Sa gitna ng lumalaking banta mula sa North Korea na armado ng nukleyar ay nakipaglapit pang lalo si South Korean President Yoon Suk Yeol sa Amerika na matagal na nilang kaalyado.