PINAG-iingat ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang publiko kaugnay sa mga impormasyon na ipinakakalat sa social media hinggil sa pagbebenta umano ng mga abandonadong bahage sa NAIA.
Batay sa ipinakakalat na posts, ang mga abandonadong bagahe ay maaaring mabili sa halagang P125 lamang.
ALSO READ:
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Ayon sa pamunuan ng NAIA, walang “luggage auctions” sa paliparan.
Ang mga posts online ay peke at layong mang-scam lamang.
Sinabi ng NAIA na hindi ito nagsasagawa ng pagsubasta o nagbebenta ng mga inabandonang bagahe.
Paalala ng pamunuan ng NAIA, iwasan ang makipag-ugnayan sa ganitong mga posts at lalong huwag ibibigay ang mga personal na detalye. (DDC)
