SUMENTRO sa malalaking road projects na magpapabuti sa ugnayan ng tatlong lalawigan sa Samar Island ang pulong na ginanap sa Northwest Samar State University sa Calbayog City.
Pinangunahan nina Samar Governor Sharee Ann Tan, Northern Samar Governor Edwin Ongchuan, at Eastern Samar PPDO Environmental Planner Joselito Abrugar na kumatawan kay Eastern Samar Governor Ben Evardone, ang pagtalakay sa unity road.
9K Fuel Subsidy Cards, ipamamahagi sa mga mangingisda sa Eastern Visayas
Inisyal na dayalogo sa timbol drivers, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Ito ay ang interprovincial connectivity initiative para resolbahin ang mga problema at para paunlarin ang Samar.
Lumahok din sa pulong sina Samar First District Rep. Stephen James Tan at Calbayog City Mayor Raymund Uy, gayundin ang mga kinatawan mula sa Samar Island engineering districts, planning and development coordinators, provincial engineering offices, at battalion commanders ng AFP sa Samar Island.
Tinalakay sa naturang pulong ang mga nakumpleto na at proposed road projects, kasama na ang concerns tungkol sa pondo.
