SINIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) ang kanselasyon ng passport ni Dating Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque sa Angeles City Regional Trial Court.
Si Roque ay nahaharap sa Qualified Human Trafficking at Regular Human Trafficking Cases sa Angeles City RTC kaugnay ng iligal na operasyon ng POGO sa Porac, Pampanga.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni Remulla na sa sandaling katigan ng korte ang kanselasyon sa pasaporte ni Roque, ay magiging undocumented alien ang dating opisyal ng Duterte Administration at magiging subject sa Deportation Proceedings.
Sa kasalukuyan ay humuhirit si Roque ng Asylum sa Netherlands dahil sa kanya umanong persecution sa Pilipinas.
