20 June 2025
Calbayog City
National

Libreng toll sa Skyway Stage 3 at Odd-Even Scheme, ipatutupad sa kasagsagan ng EDSA Rebuild

INILATAG ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga ipatutupad na hakbang para maibsan kahit papaano ang epekto sa mga motorista ng isasagawang EDSA Rebuild.

Sa Press Conference inanunsyo ni DOTr Sec. Vince Dizon ang mga planong intervention para sa ligtas at maayos na daloy ng trapiko habang isinasagawa ang pagsasaayos sa EDSA na target simulan sa susunod na buwan.

Kabilang dito ayon kay Dizon ang pagpapatupad ng libreng toll sa Skyway Stage 3.

Magkakaroon din ng Odd-Even Scheme sa kahabaan ng EDSA habang nagpapatuloy ang rebuild.

Ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1, 3, 5, 7, at 9 ay babawalang dumaan sa EDSA tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, habang ang mga nagtatapos sa 0, 2, 4, 6, at 8 ay bawal sa EDSA ng Martes, Huwebes at Sabado.

Binanggit din ni Dizon na magdaragdag ng 100 units ng bus na bibiyahe sa EDSA Busway at dagdag na mga tren na bibiyahe sa MRT-3.

Siniguro naman ng MMDA ang regular na pagsasagawa ng clearing operations sa mga alternatibong ruta na maaaring madaanan ng mga motorista.

Sisimulan ang preparatory works para sa EDSA Rebuild sa June 13, ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).