14 March 2025
Calbayog City
Business

Produksyon ng itlog sa bansa, apektado ng El Niño

APEKTADO rin ng napakainit na panahon na dala ng El Niño phenomenon ang produksyon ng itlog sa bansa, ayon sa Philippine Egg Board Association.

Sinabi ni Egg Board President Francis Uyehura na dahil sa matinding init ng panahon ay nabawasan ang gana sa pagkain ng mga manok na nagreresulta ng mas kaunti at maliliit na itlog.

Aniya, lahat ng farm producers ay nakararanas na ng mga problema na dala ng sobrang init ng panahon. Inihayag din ni Uyehura na tumaas ang chicken mortality bunsod ng napakainit na panahon na pinaka-ramdam sa hilagang bahagi ng bansa.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *