UMABOT sa 2,938 metric tons ang produksyon ng abaca sa Eastern Visayas noong 2024, na mas mataas ng 24 percent kumpara noong 2023, ayon sa Philippine Fiber Industry Development Authority.
Sinabi ni PHILFIDA Eastern Visayas Regional Director Wilardo Sinahon na malaki ang inilago ng output noong nakaraang taon mula sa 2,450 metric tons ng abaca fiber na na-produce noong 2023.
ALSO READ:
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Ang Southern Leyte ang top producer noong noong 2024 na mayroong 1,457 metric tons, sumunod ang Northern Samar, Leyte, Biliran, Samar, at Eastern Samar.
Gayunman, sa kabila ng pagtaas sa nakalipas na dalawang taon, inihayag ni Sinahon na mas mababa pa rin ang mga pigura kumpara sa 3,835 metric tons na produksyon noong 2022 at 4,768 metric tons noong 2021.