12 March 2025
Calbayog City
Business

Private Sector Advisory Council, pinagtibay ang commitment sa public-private collaboration

private sector advisory council

Pinaigting ng Private Sector Advisory Council (P-SAC) ang kanilang hakbang upang maisulong ang pag-unlad ng ekonomiya at mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pagitan ng government at private sectors.

Sinabi  ni P-SAC Lead Convenor Sabin Aboitiz sa meeting kamakailan sa mga opisyal ng Millennium Challenge Corp. (MCC) na mahalagang sangkap ang kolaborasyon at konsultasyon para sa minimithing pag-unlad.

Aniya, ang ongoing dialogue sa private sector ay nagpapatunay sa commitment ng pamahalaan para aktibong makinig at tugunan ang mga kritikal na pangangailangan ng bansa.

Inihiyag naman ni MCC Philippine Director Sarah Olmstead na mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa Philippine counterpart upang matukoy ang key policy areas na dapat suportahan.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *