NAKIISA ang mga magsasaka sa bayan ng Biliran, sa lalawigan ng Biliran sa pagbebenta ng bente pesos per kilo na bigas bilang sukli sa mga komunidad matapos tumanggap ng iba’t ibang mga ayuda mula sa pamahalaan.
Sinabi ni Biliran Municipal Agriculture Officer Lemuel Antonio, na sa kabila ng ibinentang murang bigas ay kumita pa rin naman ang mga magsasaka ng tatlumpu’t limang porsyento.
Eastern Samar niyanig ng Magnitude 4.3 na lindol
Calbayog City LGU, nag-turnover ng panibagong School Vehicle sa ilalim ng Sakay Na Program
Mahigit 236 million pesos na halaga ng Relief, inihanda ng DSWD Region 8 para sa mga biktima ng kalamidad
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
Inihayag ni Antonio na nakipagpulong siya sa Local Agriculture Officers sa Leyte at Samar para kumbinsihin silang i-adopt ang strategy.
Nakilahok aniya sa programa ang nasa apatnaraan at pitumpung magsasaka ng bigas na nagtatanim sa pitundaan ektarya.
Nabatid na simula noong nakaraang taon ay nakapagbenta ang mga magsasaka ng 70 metric tons ng bigas sa bayan ng Biliran na ang prayoridad ay mahihirap na pamilya na mayroong malnourished na mga anak.