6 October 2024
Calbayog City
Business

Presyo ng mahigit dalawampung Agricultural Products, tumaas ngayong Pebrero, ayon sa PSA

TUMAAS ang presyo ng dalawampu’t isang agricultural products ngayong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). 

Ang kamatis ang may pinakamataas na increase ngayong buwan na umakyat sa nobenta pesos kada kilo mula sa singkwenta pesos noong Enero.

Kabilang sa iba pang agricultural products na tumaas ang presyo ay calamansi na dating 60 – ngayon ay 90 pesos per kilo; talong, dating 40 pesos per kilo – ngayon ay 60; at ampalaya na dating 50 to 60 subalit ngayon ay 80 pesos na ang kada kilo.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), lumobo ang presyo ng ilang agricultural products bunsod ng kaunting supply matapos magbawas ng tanim ang mga magsasaka dahil  nagkaroon ng bagsak-presyo sa mga produkto sa mga nakalipas na buwan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *