PUMALO sa hanggang tatlundaang piso ang kada kilo ng luya sa ilang mga palengke sa Metro Manila.
Sa price monitoring, mula sa dating 180 pesos ay umakyat sa 300 pesos ang kada kilo ng luya, sa loob ng nakalipas na dalawang linggo, sa Farmer’s Market sa Quezon City.
Ayon sa mga vendor, ngayon lamang tumaas ng ganito ang presyo ng luya, dahil dati-rati naman ay 190 hanggang 200 pesos na ang pinakamataas.
Iginiit naman ni Cathy Estavillo, convenor ng grupong bantay bigas, na lumang sistema pa rin ang umiiral, dahil ang mga trader aniya na mayroong post-harvest facility o cold storage ang may kakayahang magtakda ng presyo kapag kaunti na lamang ang supply.