NAKATAKDANG maglunsad ang grupong Manibela ng tatlong araw na transport strike simula June 10 hanggang 12, Araw ng Kalayaan, upang tutulan ang panghuhuli sa mga unconsolidated na Public Utility Vehicles (PUVs).
Una nang hinimok ni Manibela Chairman Mar Valbuena ang Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang pagbibigay sa unconsolidated operators ng isang taong provisional authority para ma-modernize ang kanilang mga sasakyan.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni Valbuena na na-modernize ng kanilang grupo ang ilan sa kanilang jeepney sa halagang 900,000 pesos, mas mura kumpara sa 1.6 million hanggang 2.8 million pesos na modern jeepney units na karaniwang ina-acquire ng transport cooperatives.
Kamakailan ay ibinabala ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman, Atty. Teofilo Guadiz III, na huhulihin ang driver na nagmamaneho ng colorum na sasakyan, na may parusang isang taong suspensyon ng driver’s license.
Ang colorum na sasakyan aniya ay ma-i-impound din at ang operator ay papatawan ng limampunlibong pisong penalty.
