23 October 2025
Calbayog City
Province

Presidente ng Abono Party-List, patay sa pananambang sa Pangasinan

PATAY sa pananambang ang presidente ng Abono Party-List, sa Pangasinan.

Pauwi na sa bayan ng Umingan si Ponciano Onia Jr., limamu’t siyam na taong gulang lulan ng kanyang kotse, nang pagbabarilin ng mga salarin na sakay ng motorsiklo sa Barangay Lubong, sa Calasiao.

Binawian ng buhay ang biktima sa Umingan Community Hospital bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).