PATAY ang limampu’t pitong taong gulang na babae matapos masagasaan ng bus habang tumatawid sa kalsada, sa Intersection ng J.P. Rizal Street at P. Tuazon Boulevard sa Barangay Marilag, Quezon City.
Nasa kalagitnaan na ng pedestrian lane ang babae nang kumaliwa ang pampasaherong bus sa intersection, at nasalpok ang biktima.
Ayon sa Barangay Marilag Responder na si Danilo Gapas, hinahabol ng bus ang pagpapalit ng ilaw ng traffic light kaya hindi napansin ng driver ang tumatawid na matanda.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng barangay subalit wala nang buhay ang biktima matapos pumailalim sa bus.