UMABOT lamang sa 8.65 billion pesos na halaga ng mga proyekto ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) noong Hunyo.
Ayon sa Promotion Agency, mas mababa ito ng 73.4% kumpara sa 32.56 billion pesos na inaprubahang projects sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sinabi ng PEZA na dalawampu’t limang mga bago at expansion projects ang binigyan ng go signal ng kanilang board noong nakaraang buwan.
Inaasahang mag-a-ambag ang mga proyekto ng 416 million dollars sa export at halos anim na libong direktang trabaho.