WALANG balak si Russian President Vladimir Putin na kontakin si Donald Trump matapos ang assassination attempt sa Republican US Presidential Candidate.
Sinabi ni Kremlin Spokesman Dmitry Peskov na pinaigting na nila ang seguridad para sa Russian leader dahil sa mga malinaw na rason, anuman ang mga insidente.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Inihayag din ng Kremlin na hindi sila naniniwala na US Administration ang responsable sa tangkang pagpatay kay Trump nitong weekend.
Ang dating US President ay nadaplisan ng bala sa kanang tenga sa isang campaign rally sa Pennsylvania, na ikinasawi ng bente anyos na attacker.
