25 April 2025
Calbayog City
National

Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88; mga Diocese sa Pilipinas, inalala ang kabutihan ng Santo Papa

PUMANAW na si Pope Francis, ang unang Latin American leader ng simbahang Katolika, sa edad na walumpu’t walo.

Inanunsyo ni Cardinal Kevin Farrell ang pagpanaw ng Santo Papa sa TV channel ng Vatican, kahapon.

Sinabi ni Farrell na 7:35 ng umaga, oras sa Vatican, nang magbalik sa tahanan ng Diyos Ama ang Obispo ng Roma na si Francis.

Sumakabilang buhay ang Santo Padre, isang araw makaraang muling masilayan ng publiko matapos ma-discharge noong March 23 mula sa mahigit isang buwan na pananatili sa ospital dahil sa pneumonia.

Noong Easter Sunday ay pumasok si Pope Francis sa ST. Peter’s Square sa pamamagitan ng open-air pope mobile, na labis na ikinatuwa ng mga deboto.

Nagbigay din ang Santo Papa ng special blessing sa unang pagkakataon mula noong Pasko.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).