19 September 2024
Calbayog City
Metro

Police Official at misis nito, patay sa pamamaril sa loob ng kanilang bahay sa Muntinlupa City

PATAY ang isang opisyal ng Muntinlupa Police Station at maybahay nito makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng kanilang bahay sa Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Police Captain Aminoden Mangonday, hepe ng Community Affairs Section ng Muntinlupa Police, at misis nito na si Mary Grace.

Sugatan naman ang kanilang dose anyos na anak na babae makaraang tamaan din ng bala.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumasok ang salarin na nakasuot ng kulay itim na jacket at pantalon sa bahay ng mga biktima sa Tierra Villas sa Ilaya Street, pasado ala una ng madaling araw kahapon.

Nagtungo umano ang suspek ang ikalawang palapag ng bahay at binaril si Mangonday sa ulo habang natutulog

Narinig ng misis ang putok ng baril kaya ito napatayo mula sa pagkakahiga sa sofa habang ang kanilang anak ay napalabas ng kwarto nito kaya maging ang mag-ina ay pinaputukan din. Inaalam pa ng mga awtoridad ang lahat ng posibleng motibo sa krimen dahil wala namang umanong kaaway o banta sa buhay ang police official.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.