APRUBADO na ng wage board ang dagdag sa minimum wage sa mga manggagawa sa Calabarzon o Region 4-A.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), mayroong P21 hanggang P75 na pagtaas sa minimum wage sa Calabarzon.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Mula sa kasalukuyang P450 ay tataas sa P560 ang minimum wage para sa Non-Agriculture Sector.
Mula naman sa P425 ay tataas sa P500 ang sweldo ng nasa Agriculture Sector habang P425 naman ang sweldo ng mga nasa retail at service establishments na ang empleyado ay hindi hihigit sa 10.
Epektibo ang first tranche ng dagdag-sahod sa September 30, 2024 at ang second tranche naman ay sa April 1, 2025.
